Pasko sa Pinas
Saturday, December 22nd, 2007(STORY BY: KUYA AMBO.)
Ang
sabi nila, ang Pilipinas na yata ang may pinakamahabang selebrasyon at
pinakamasayang Pasko sa buong mundo. Nakasanayan na natin na kapag
sumapit na ang unang buwan na nagtatapos sa “Ber” o ang September,
nangangahulugan, malapit na ang Pasko. Ang iba naman nagsisimula na ng
mga dekorasyon, namimili na ng mga regalo at kung anu-ano pa,
mapaghandaan lamang ang Pasko. Para sa ating mga Filipino, ang Pasko
ang pinaka engrandeng Piesta ng buong taon. Ito ang panahon ng bawat
pamilya na magsama-sama, panahon para magbigayan, panahon para sa
kasiyahan, pagkain, at pagkakaibigan. Tradisyon mang maituturing, ang
Pasko pa rin ang pinakamasayang selebrasyon sa ating mga Filipino.

Sino nga bang makakalimot sa Simbang Gabi.Noong
bata pa ako, halos buong Barangay nagkikita sa simbahan makumpleto lang
ang Simbang Gabi. Pero ngayon, nakakalungkot, iilan na lamang ang mga
gumugunita sa pagtitipong ito.

Sa tabi ng simbahan eto ang mga nagsasarapang Bibingka at Putobumbong.
Pero ngayon, kahit saang sulok ng kalye makikita mo ang nagsasarapang
mga pagkaing ito. Kahit hindi araw ng Pasko, matitikman mo ang sarap ng
lutong Pinoy na ito. Yun nga lang, nakakalungkot isipin, sa hirap ng
buhay ngayon, ang ilan ay hindi na tulad ng dati. Ngayon, karamihan sa
kanila, naglalasang harina na.


Ang mga nag-gagandahang mgaParol
tiyak hindi mo malilimutan ito. Naalala ko pa noong bata pa ako,
gumagawa kami ng Parol para isabit sa aming bintana. Sa aming
eskwelahan, isa sa mga proyekto namin gumawa din ng parol.
Ganyang-ganyan sa larawan ang mga unang parol na nakita ko.

At
dahil sa pagbabago, madami sa atin nakalimot na sa dating parol na
ating kinalakihan, ito na siya ngayon. Mas pinakinang at pinaganda. Ang
mga ganitong uri ay makikita sa bayan ng Pampanga. Ang bayang ito ay
isa sa may pinakamalaking kontribusyon sa pag-gawa ng Parol.

Siyempre, hindi mawawala sa ating kultura ang mga Ninong at Ninang. Sila ang nagbibigay sa atin ng gabay bukod sa ating mga magulang. At sila din ang isa mga nabibigay ng aguinaldo
sa tuwing sasapit ang Pasko. Ang hindi ko malilimutang aguinaldong
natanggap noon sa Ninong ko, yung Tren-trenan na de baterya. At
siyempre, yung walang humpay na Beinte at Singkwenta Pesos! Pero
ngayon, marunong na ang bata, kailangan Isandaan na!

Hindi pa tayo nagtatapos dyan. Naaalala mo ba ang mga Peryahan?
Di ba diyan mo nakita ang babaeng gagamba, ang lalaking pugot ang ulo,
ang lalaking may walong kamay? Teka, “Catterpillar” nga pala ang
paborito kong sakyan noon bukod sa Octopus at Periswheel! Pero ngayon,
kahit hindi Pasko, ang daming Peryahan kung saan-saan. Hindi na
kasiyahan ang dala, kundi sugal.

Nga
pala, naaalala mo ba ang pinakamalaking christmas tree sa Cubao? E yung
animated show sa COD sa tuwing sasapit ang Pasko? Nakakatuwa ang mga
alaala noon ng COD, kasi gabi-gabi inaaya ko ang tatay at nanay ko para
manuod dun. Mabuti na lang, hindi pa din siya nawawala dahil inilipat
na siya ngayon sa Greenhills Shopping Center.


O
di ba ang saya pa din ng Pasko sa atin? Kahit pa sabihin ng iba na
maingay ang Pasko sa atin, kahit na madami pa ang nangangaroling, kahit
na trapik pag-sumasapit ang Pasko, kahit na puro kainan pagsapit ng
Pasko, kahit mahirap lang tayo at naghihikahos sa buhay basta’t
kapiling ang buong pamilya iba pa din dito sa atin. Ikaw ba? Kailan ka
huling nag Pasko sa atin? At sa tuwing sasapit ang Pasko, madami sa
atin ang kumpleto ang pamilya. Madami sa atin ang sobra sa biyaya,
madami sa atin kumpleto ang pagkain pag noche buena, madami sa atin ang
mayaman.
Ngunit alam mo ba sa likod ng ating mga kasiyahan?
Madami tayong mga kababayan ang salat sa yaman? Madami ang
nangangailangan. Madami ang nag-iisa sa buhay. Walang tirahan. Walang
makain. Walang magulang. Wala ng pamilya. Ang kaunting biyaya na
maitutulong natin sa kanila ay sapat na para lumigaya ngayong Pasko.
Sana hindi lang ngayong Pasko. Gawin nating araw-araw, ito san ang
itanim natin sa ating mga puso at ipamana natin sa ating pamilya.
Tumulong tayo Kabayan.
merry christmas sa lahat…& advance happy new year!
tnx
KUYA AMBO!!! ito ang storya nya about ang pasko sa pinas, nasa outer
space ata c kuya AMBO kya namiz nya ang pasko dito sa PINAS!
